Tuesday, January 20, 2015

Palamig

Sa Maynila, maraming bisikletang nagdadala ng palamig...

May nagbebenta ng ice cream, ice drop at drumstick.

Meron din nagpapalamig sa sariwang sabaw ng buko.

Pero pag kinulang pa ang palamig, pridyider na ang iangkas mo.

Tuesday, January 13, 2015

Pababa

Alas onse nang gabi.
Sa McKinley Road, pababa ng Makati, may nakasabay akong mga teenagers.
Sa ilang minutong kasama ko sila, feeling ko teenager ulit ako. 
 Papunta daw sila sa MOA. Inisip kong sumama.
Kaso, naalala ko, may pasok nga pala kinabukasan sa trabaho.
Matanda na nga pala ako.