Thursday, August 13, 2015

Paano pag umuulan?






Parati akong tinatanong ng mga kasamahan ko sa trabaho, "Pano pag umuulan?"
Simple lang lagi ang sagot ko.
"tubig lang ang ulan diba? so hindi problema."

Hindi dahilan ang ulan para tumigil sa pagbibisikleta.
Pag umulan, may kapote naman.
Pag bumuhos ng sobrang lakas, papatila muna.

Hindi ako takot sa ulan.

Kabaligtaran nga minsan. Natutuwa ako pag umuulan at naka bike ako.
Alam na natin kasi kung ano ang kasunod ng ulan...
Baha.
At ang kasunod ng baha...
Trapik.

At pag trapik na ang pinaguusapan, wala nang mas makapangyarihan pa sa bisikleta.
Habang ang ibang tao nagra-rant sa facebook kung gaano sila ka-burat sa trapik, 
ang naka-bisikleta, hindi apektado.
Habang ang mga commuters ay mahigit nang isang oras nakapila sa gitna ng kalsada, nakikipag agawan sa mga sasakyan, ang naka-bisikleta, tuloy lang ang andar.

Oo, nababasa din naman ako. 

Pero mas pipiliin ko nang mabasa at makauwi sa loob ng 30 minuto.
Kesa naman tuyo nga, pero tatlong oras ang byahe mo.




Wednesday, May 6, 2015

Train vs Bike


Araw-araw, dinadaanan ko ang riles na ito. 
Tuwing dumadaan ako dito at tyempong may tren na paparating,
nate-tempt akong unahan yung tren.
Mabagal ang tren dahil may istasyon na katabi ang tawiran sa riles na ito.
Ilang padyak lang, makakatawid ako.
Parang pelikula. Pero hindi pwede. 
Mas mahalaga ang buhay kaysa sa action scene sa ulo ko.

Tuesday, March 17, 2015

Mga Siklista ng Baywalk

Dito sa Baywalk, iba't-ibang klaseng siklista ang makikita mo. Ang sarap tumambay at manood ng mga nagdadaang bisikleta.

May matatandang racers...
 

May mga daredevil na mountainbikers...

May mga mukhang alien (ang bike, hindi yung rider ha)

May mga batang nakasakay sa bike seat na yari sa kahoy...

May mga hardcore riders...

Meron ding mga dating hardcore...

May bikers na maka-manny...

May mga nagso-shopping...

Meron ding hanggang tanaw na lang...

May mga siklista na nagsa-sideline ng pamimingwit ng isda sa dagat...

May siklistang ice cream ang karga...

Meron namang bata ang dala...

Ang iba, may panindang kung anu-ano sakay ng bisikleta...

Ang iba, di mo alam kung motor o bisikleta ang hilig talaga...

May mga stylish na hipsters...
  

At meron ding mas stylish na hippies...



Saturday, February 14, 2015

Jingle Break



Hindi na umabot sa inidoro.
Dito na inabutan.
Nung nakita akong nililitratuhan ko sya, tumawa pa.