Thursday, August 13, 2015

Paano pag umuulan?






Parati akong tinatanong ng mga kasamahan ko sa trabaho, "Pano pag umuulan?"
Simple lang lagi ang sagot ko.
"tubig lang ang ulan diba? so hindi problema."

Hindi dahilan ang ulan para tumigil sa pagbibisikleta.
Pag umulan, may kapote naman.
Pag bumuhos ng sobrang lakas, papatila muna.

Hindi ako takot sa ulan.

Kabaligtaran nga minsan. Natutuwa ako pag umuulan at naka bike ako.
Alam na natin kasi kung ano ang kasunod ng ulan...
Baha.
At ang kasunod ng baha...
Trapik.

At pag trapik na ang pinaguusapan, wala nang mas makapangyarihan pa sa bisikleta.
Habang ang ibang tao nagra-rant sa facebook kung gaano sila ka-burat sa trapik, 
ang naka-bisikleta, hindi apektado.
Habang ang mga commuters ay mahigit nang isang oras nakapila sa gitna ng kalsada, nakikipag agawan sa mga sasakyan, ang naka-bisikleta, tuloy lang ang andar.

Oo, nababasa din naman ako. 

Pero mas pipiliin ko nang mabasa at makauwi sa loob ng 30 minuto.
Kesa naman tuyo nga, pero tatlong oras ang byahe mo.