Tuesday, September 15, 2015

Hasaaaaaaaaaa!


Ito ang isa sa mga pinaka-maparaan na pag-gamit ng bisikleta para sa pagha-hanapbuhay.
Naghahasa ng kutsilyo gamit ang bisikleta.
Hindi kailangan ng makina at kuryente.
 Sa pamamagitan ng pag-pedal, iikot ang kadena na syang magpapaikot ng bato. 

Siya si Mang Willy, na taga Santa Ana. Araw-araw, bumabyahe sa bike nya.
Sumisigaw ng "Hassaaaaaaaaa!"
Ang rota nya, Sampaloc.
Ilang dekada na rin nyang trabaho ito.

Huli akong nakakita ng ganito, nung 90's pa yata. 
Sana hindi tuluyang mamatay ang mga ganitong uri ng hanapbuhay sa bisikleta.



1 comment:

  1. the oldest occupation since BC minus the bike he he he.

    ReplyDelete